-automotive po!
-mekaniko? hoo cheap! ang pangit mo.
Tingin ng nakararami sa mga estudyante ng automotive. Pero ito ay hindi na bago para sa akin, maging ako noong una mababa ang tingin ko sa mga mekaniko. Siguro sa mga nakikita ko sa mga talyer na mga mekaniko na madudungis at kalimitan ay puro grasa maging sa damit.
Pero ngayon college na ako, automotive ang kinuha kong kurso! Kasi naisip ko na cool ito. Bakit?, una, dahil nalaman ko na ang mga mekaniko ay isa sa in demand na trabaho lalo na sa ibang bansa. Sunod, siguro alam naman natin lahat ang pagdami ng mga modernong sasakyan di lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, hindi naman pwede sasakyan lamang ang pwede dumami at hindi ako papayag ng ganun na lang, kelangan din ang pag dami ng mga mekaniko sa lipunan ng ating bansa.
Noong ng ojt ako sa dalawang malalaking car company, marami akong nakilala na mga mekaniko at halos lahat ay mayroon lamang payak na pamumuhay. Humanga ako sa skills nila, hindi lamang pag-iisip kelangan din ang malakas na pangangatawan. Subukan mo magbuhat ng gulong ng mga pickup, e apat ang gulong ng sasakyan, kelangan ang malakas na katawan at kelangan dito madami kumain hindi pwede sa mekaniko ang padiet diet!



Walang komento:
Mag-post ng isang Komento